Friday, December 19, 2008

ang saya saya, diba?

Noong nakaraang araw ko pa gustong mag-blog ngunit napakaraming nangyari at dahil sa pagod, nakalimutan ko na rin ang aking gagawin. Hahaha!

Noong Disyembre 13, 2008 ay nagkaroon ng konsiyerto ang UP Manila Chorale sa PhilAm Life Auditorium. Alas siyete ng gabi ang konsiyerto, dumating ako sa Maynila ng alas sais y medya, sa takot na masaraduhan ako ng pinto ay nag-taksi ako. Nakakainis, napakalapit lang pala ng nasabing lugar sa aking dormitoryo, napagastos pa ako ng mas mahal. Hay.

Mga komposisyon ni G.F. Handel at mga Filipino Christmas Songs ang kanilang mga inawit sa saliw ng grand piano. Maganda naman ang konsiyerto at para sa akin, nakakakalma talaga ang pagsasama-sama ng boses ng chorale (kaya siguro may nakita akong mga natutulog sa ikalawang parte ng konsiyerto).

Noong Disyembre 16, 2008 ay ang Christmas Party ng aming kolehiyo, EcomoDent, A Glamourous Year-Ender Party. Ang pagsasalo-salong ito ay naging posible dahil sa Batch 2012, at masasabi ko namang maayos ang kinalabasan nito. Masaya ang mga laro, nakakatuwa ang mga production numbers, at higit sa lahat, masarap ang pagkain! Nakakatuwa, may chocolate fountain pa!

Block 16 Girls :)

Noong araw ding iyon ay kaarawan nina Tina at Trisha. Binigyan namin sila ng isang sorpresa at nakakatuwa ang mga reaksiyon nila. Pagkatapos noon, nag-kape kami habang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Nakakatuwa talaga ang araw na ito, sana maulit muli sa susunod!
Coffee Bean Family, The Cullens Style!

Oo nga pala, nanalo rin pala kami sa Facade Making Contest! Go, College of Dentistry!

College of Dentistry Facade!

Kinabukasan, Disyembre 17, 2008 ay ang Lantern Parade ng UP. Ang Lantern Parade ngayong taon ay idinaos sa UP Diliman, at lahat ng mga yunit ng UP ay kasali (UP Manila, UP Los BaƱos, UP Open University, UP Visayas, UP Mindanao at iba pa) dahil sa ika-isang daang anibersaryo na ng UP. Unang pagkakataon ko na mag-Lantern Parade sa UP Diliman at aaminin kong nakakapagod talaga, isipin mo ba naman na ikutin namin ang Academic Oval, na halos 2.5 kilometro ang sukat, habang nagsisigaw ng "DENT DENT DENT!"

Nabawi naman ang pagod ko kahit papano noong katapusan ng Lantern Parade. Nagkaroon ng isang magarbong fireworks display, at napakaganda talaga nito! Ang pakiramdam ko noon ay parang lumulutang ang puso ko, ang korny pakinggan/basahin ngunit iyan talaga ang naramdaman ko noon, pramis! Hahaha!


***
Mga larawan mula kina:
Daryl Altea
Raisa Benedicto
at sa akin
(EcomoDent Party + Tina & Trisha's Birthday Bash at Lantern Parade)

No comments: